Memorandum of Commitment para sa Peֹñafrancia Festival 2023 , pormal nang linagdaan ng inter-agency

NAGA CITY- Ginawa na kahapon ng hapon  Agosto 2, 2023 ang  Signing of Memorandum of Commitment at  Initial Coordination Meeting ng Peñafrancia Multi-Agency Coordination Group kasama ang Joint Operations Center sa Minor Basilica and National Shrine para sa nalalapit na Peñafrancia Festival 2023 sa Setyembre.

Lumagda ang mga Regional, Provincial at City Head o di kaya kinatawan ng mga National Government Agencies halimbawa Office of the Civil Defense Bicol, Philippine National Police, 9th Infantry Division Philippine Army, Naval Forces Southern Luzon, Department of Transportation , Department of Public Works and Highways, Philippine Coast Guard, Department of Health at marami pang iba. 

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Gayundin ang mga kinatawan  ng ilang parokya sa Naga, Utility Agencies gaya ng Camarines Sur II Electric Cooperative, Metropolitan Naga Water District at telecommunication companies. Kasama pa sa mga lumagda ang mga Department Head ng mga opisina sa Naga tulad ng Public Safety Office City Disaster Risk Reduction and Management Office at ilan pang may mahalagang papel sa Regional Events. 

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Lumagda rin sa Memorandum of Commitment ang mga nasa volunteer groups tulad ng Kabalikat Radio Communication Group , Philippine  Red Cross at iba pa.

Inaasahan nila ang mas malaking bilang ng mga deboto at bisita ngayong taon dahil wala nang restriction at may mga dagdag ding events.

Ayon kay Mayor Son Legacion, hiling niya ang dedikasyon at kolaborasyon ng bawat isa para sa exceptional at ligtas na selebrasyon ng Southeast Asia’s biggest Marian celebration.