Kampo ni Alice Guo, nanindigang ‘di konektado sa ‘POGO godfather’

Iginiit ng legal counsel ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na hindi kilala ng kanyang kliyente si Lin Xunhan, ang umano’y “big boss” ng ilegal na POGO sa bansa.

Ayon kay Atty. Stephen David, tanging si Huang Zhiyang ang kilala ng nasibak na alkalde.

Read More:  Classes suspended at San Jose National High School in Tacloban

Siya lang umano ang kilala niya roon na bumili ng kanyang lupa.

Una nang sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na tinitingnan nila kung si Lin ba ay kasama sa mga taong ayaw pangalanan ni Guo sa mga pagdinig dahil nasa Pilipinas pa rin ito.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Ani PAOCC executive director Gilbert Cruz, ang mga pangalanang binabanggit ni Guo sa mga hearings ay ang mga taong wala na sa bansa, at nasa abroad na.