BFAR – tuloy pa rin sa maritime patrols sa kabila ng panibagong harassment ng China

Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi mapapatid ang kanilang mga misyon.

Ito ay matapos ang panibagong harassment ng China sa kanilang mga barko.

Read More:  Gatchalian pushes ban on officials’ relatives in government contracts

Matatandaaang sinadyang banggain ng Chinese Maritime Militia vessel ang BRP Datu Cabaylo sa Pag-asa Sandy Cay 4.

Sabi ng BFAR, tuloy pa rin sila sa kanilang maritime patrol mission.

Read More:  ICC seeks additional protection for 55 witnesses in Duterte trial

Sa katunayan, naging matagumpay pa rin daw ang misyon ng BRP Datu Cabaylo at ng BRP Datu Sanday.

Kinilala naman nila ang mga personnel na sakay ng mga naturang barko na hindi inalintana ang naturang harassment.