COVID-19 cases sa hanay ng PNP, mahigit 42,000 na

Sumampa na sa 42,077 ang bilang ng COVID-19 case sa hanay ng Philippine National Police.

Ito ay matapos maitala ang bagong labing-apat na kaso kahapon Ayon sa datus, sa nasabing bilang, 187 na lang ang aktibong kaso habang nakapagtala ng bagong 37 recoveries.

Read More:  Two suspects arrested in killing of political vlogger Mima Alicia

Nananatili naman sa 125 ang fatalities habang nasa 41,765 naman ang recoveries sa PNP mula nang magsimula ang pandemya.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Patuloy namang pinapaalalahanan ng pamunuan ng PNP ang kanilang mga tauhan na pag-ibayuhin ang pag-iingat habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa bayan.