Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte sumampa na sa 765 matapos makapagtala ng 20 bagong kaso nitong weekend

CAMARINES NORTE- Muling nakapagtala ang Department of Health Bicol  ng 20 bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte nitong weekend

Ang mga bagong kaso ay naitala sa mga bayan ng Daet na may 11, may tig-dalawang kaso naman ang bayan ng Talisay ay Jose Panganiban habang tig-i-isang kaso naman ang mula sa bayan ng Capalonga, Labo, Paracale, Sta. Elena at Vinzons

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa Case Bulletin ng DOH, umabot na sa 765 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte mula pa noong Marso 2020.

Nitong weekend, pumalo na ang aktibong kaso sa 289 Habang wala namang bagong naitala na nakarekober at nasawi sa sakit kung kaya’t nananatili ang mga bilang nito sa 444 at 32

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte