Suns 1-0 na kontra Clippers sa WCF

Tuloy-tuloy ang winning streak ng Phoenix Suns sa NBA playoffs matapos talunin ang Los Angeles Clippers sa Game 1 ng Western Conference Finals.

Ito na ang pang-walong sunod na panalo ng Suns at franchise playoff record para sa ‘most consecutive victories’ sa postseason.

Unang tinalo ng Suns ang Lakers at nai-sweep ang Denver Nuggets sa 2nd round.

Susi sa panalo ang mainit na shooting ni Devin Booker na nagtala ng 40-points sa kanyang unang Western Conference finals appearance.

Hindi din ininda ng Suns ang kawalan ni veteran point guard na Chris Paul na hindi nakapaglaro dahil sa health and safety protocol ng liga.

Nagtala naman ng 34 points si Paul George para sa Clippers habang hindi nakapaglaro ang katandem nitong Kawhi Leonard dahil sa injury.