Ka-aanak ng nawawalang seafarer sa barkong inatake ng mga Houthi, tutulungan ng DMW

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pamilya ng nawawalang Pilipinong engineer ng MV Tutor na makakakuha sila ng tulong mula sa ahensya, kasunod ng pag-anunsyo ng Estados Unidos na patay na ang Filipino sailor.

Nakipagpulong ang pamilya ng nawawalang seafarer kina DMW Secretary Hans Cacdac, Overseas Workers Welfare Administration Arnell Ignacio at Sea Gate Navigation Corp. president Desiree Page.

Napag-usapan din nila ang status ng MV Tudor at ang update sa paghahanap ng Filipino sailor sa gitna ng mga ulat na posibleng lumubog na ang barko sa Red Sea.

Bagama’t kinumpirma na ito ng Amerika, sinabi ni Cacdac na makokompirma lang nila ang kalagayan ng nawawalang Pilipino sa oras na matunton nila ito.

Nakatakda namang makipagpulong si Cacdac sa mga kinatawan ng mga may-ari ng barko at grupo ng mga marino para pag-usapan ang kaligtasan ng mga Pilipinong mandaragat sa Red Sea at Gulf of Aden.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *