Pagbibitiw ni VP Duterte bilang DepEd Secretary, hindi ikinagulat ng ilang grupo

Nanawagan ang Teachers Dignity Coalition (TDC) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag nang magtalaga ng pulitiko bilang susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ito’y pang maiwasan ang pagkaladkad ng kagawaran sa mga isyu ng politika.

Kasabay ng pahayag na ito, hindi na ikinagulat ng TDC ang pagbitiw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng DepEd dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng pulitika sa bansa.

Naniniwala rin ang TDC na ang susunod na DepEd Secretary ay dapat manggaling sa academe at may karanasan bilang public school teacher upang maintindihan ang araw-araw na hirap ng mga ordinaryong guro sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *