14 LGU sa Bicol, pinagkalooban ng mga bagong Ambulansya mula sa DOH

BNFM Bicol- PINAGKALOOBAN ng ambullansiya ang 14 na mga Loal Government Unit (LGUs) ng Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD) sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program ng ahensya.

Ginanap ang naturang turn-over ceremony sa Healthy Lifestyle Complex ng DOH Bicol CHD compound nitong mga nakaraang araw. Kabilang sa mga LGUs na tumanggap ng mga ambulansyang ito ay ang mga bayan ng Daraga, Camalig, Malilipot, Manito, Oas, Polangui, Sto. Domingo at mga syudad ng Legazpi at Ligao sa Albay habang bayan naman ng Labo sa Camarines Norte.

Layunin ng aktibidad na makapagbigay ng mga kagamitan sa LGUs sa rehiyon para sa mas dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga residente. ### Nico Merciales, Intern

Photo by: DOH Bicol CHD Communications Management Unit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *