K-pop idol Ravi posibleng makulong ng 2 taon dahil sa pag-iwas sa military service

Hiniling ng mga Prosecutors sa Seoul court na masentensiyahan ng 2 taong pagkakakulong ang K-pop boy band VIXX member na si Ravi dahil sa pag-iwas sa kanyang military service.

Isinagawa ngyaong araw ang paglilitis kay Ravi sa Seoul Southern District Court dahil sa paglabag niya sa Military Service Act ng bansa.

Read More:  Kris Aquino proud of son Bimby’s first ambassadorship

Inakusahan din si Ravi ng pakikipagsabwatan sa kanyang agency representative at isang military service broker upang magpanggap na siya ay isang epileptic patient at tumanggap ng isang pekeng medical diagnosis.

Read More:  Lakam Chiu’s father visits daughter in police custody

Ginamit ang pekeng epilepsy diagnosis upang maging exempted sa pagsisilbi bilang aktibong sundalo. Na-enlist naman siya noong nakaraang taon bilang isang social worker.//CA