Germany isasara na ang natitirang tatlong nuclear plant nito

Isasara na ng Germany ang tatlong natitirang nuclear power plant nito.

Nais ng bansa na maabot ang ambisyon nito nang walang atomic power sa kabila ng energy crisis na dulot ng digmaan sa Ukraine.

Ang tatlong huling planta ay nakapagbigay ng anim na porsyentong enerhiya sa Germany noong nakaraang taon.

Sinisikap ng Germany na i-phase out ang kanilang nuclear power mula noong 2002, ngunit ang desisyon ay pinabilis ni dating chancellor Angela Merkel noong 2011 pagkatapos ng insidente sa Fukushima sa Japan.

Ipinakita ng Fukushima na kahit na sa isang high-tech na bansa tulad ng Japan, hindi pa rin ligtas ang panganib na maaaring idulot ng nuclear power plant.//CA