Jorge De Brito, mananatiling head coach ng Alas Pilipinas Women

Inanunsyo ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na mananatili si Jorge De Brito bilang head coach ng Alas Pilipinas Women hanggang sa huling bahagi ng susunod na taon.

Ang Brazilian coach, na dapat sana ay papunta na sa Chinese Taipei para sa panibagong tungkulin, ay mananatili sa pamumuno ng koponan hanggang sa 2025 Southeast Asian Games sa Disyembre ng susunod na taon.

Dumating ang desisyon ng PNVF ilang araw matapos masungkit ng Alas Pilipinas ang makasaysayang bronze medal sa 2024 AVC Challenge Cup.

Ayon naman kay PNVF president Ramon ‘Tats’ Suzara, marami pang mga kaganapan ang nakahanay para sa Alas Pilipinas, kaya’t nanawagan ito na suportahan ang koponan sa mga susunod pa nitong laban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *