Nagtapos ng magna cum laude ang aktor at TV host na si Jhong Hilario sa kursong Political Science sa Arellano University.
Sa isang panayam, sinabi ni Jhong na “Ito yung bayad-utang ko sa mga magulang ko.”

Proud na proud ang aktor sa panibagong achievement na kanya raw pinagpaguran nang bonggang-bongga.
Sabi ni Jhong, pagbabalanse sa oras ang kailangan dahil bukod sa kanyang trabhao sa showbiz at pag-aaral, nagagwa rin niya ang kanyang responsibilidad bilang konsehal ng unang distrito ng Makati.//CA