78 migrante patay matapos lumubog ang isang bangkang a sa Greece

Pitompu’t walong migrante ang namatay matapos lumubog ang isang bangka sa Ionian Sea sa Greece nitong Miyerkules.

Ayon sa migration ministry, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil nagpapatuloy pa ang search and rescue operation sa lugar.

Read More:  Injuries from Magnitude 7 earthquake in Tibet, China rise to 65; Death toll remains at 16

Sa paunang ulat, nasa 400 hanggang 700 katao ang sakay ng bangka kung saan isang daan sa mga ito ang nailigtas. Inaalam pa rin sa ngayon ang sanhi ng insidente.

Read More:  Pope Leo XIV needs no further cancer treatment after lung surgery

Itinuturing ang insidente na isa sa worst migrant tragedy sa Greece. Noong 2016 hindi bababa sa 320 katao ang namatay sa kaparehong insidente.//CA