Isang malaking tagumpay sa mundo ng Philippine chess ang pagiging first female National Master ni Nika Juris Nicolas.

Binigay ng National Chess Federation of the Philippines ang prestihiyosong title sa 10-year old prodigy matapos niyang manalo ng mga medalya sa Boys Under 11 Division ng 2023 NCFP National Youth and Schools Chess Championships Grand Finals sa Dapitan City, Zamboanga del Norte.
Si Nika ang nag-iisang babaeng sumali sa kompetisyon kung saan dinomina nya ang national eliminations sa Himamaylan City, Negros Occidental.
Mula sa 3 events ng torneyo, nag-uwi si Nika ng silver sa standard chess, silver sa blitz at bronze sa rapid.//CA