Sinibak sa puwesto ang show director ng Olympic opening ceremony isang araw bago ang pagsisimula ng events ngayong araw.
Kasunod ito ng “joke” tungkol sa Holocaust na isang mapait na katotohanan ng kasaysayan.
Ang dismissal ni Kentaro Kobayashi ang pinakahuli sa serye ng scandals kaugnay sa Olympics.
Nag-ugat ang kritisismo kay Kobayashi nang maungkat ang ginawa nitong sketch patungkol sa Holocaust 23 taon na ang nakakaraan .
Tinawag din ito ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga na “outrageous at unacceptable”.
Matatandaan na noong Enero pa lang ngayong taon ay tatlo nang organizers ang sapilitang pinababa sa Tokyo 2020 habang naipagpaliban ang mga laro dahil sa COVID-19 pandemic.
Ilan pa sa mga pangyayari sa preparasyon ng Olympics ang pagbibitiw ng composer mula sa team sa pagbuo ng seremonya matapos ma-bully habang napilitan ding bumaba sa puwesto ang head ng organizing committee matapos siyang magkomento tungkol sa mga kababaihan na hindi nagustuhan ng marami.
