Joint exercise “Iron Blade” , isinagawa sa pagitan ng PH-US Air Forces

Nagsagawa ng bilateral integration exercise ang Philippine Air Force at United States Pacific Air Force.

Ang bilateral exercise na tinawag na “Iron Blade” ay nilahukan ng combined forces ng dalawang 50PH fighter aircraft, 2 US Air Force FA -22s at US Air Force C-130 Hercules transport aircraft.

Isinagawa kahapon ang formation flights mula sa Basa Air Base sa Pampanga patungong Brigadier General Benito N Ebuen Air Base sa Mactan, Cebu.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Bukod sa mga aerial manuevers, nagkaroon din ng Subject Matter Expert Exchanges sa Pampanga na nakatuon sa flight operations at maintenance, habang sa Mactan, Cebu naman ay isinagawa ang cargo-related exchanges.

Ang “Iron Blade” ay bahagi ng PCAF redeployment activities matapos ang kanilang partisipasyon sa Pitch Black exercise sa Australia.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Isa ang Pilipinas sa kanilang mga stopoverpoints bago tumungo sa Kadena Air Base sa Japan.

Ang naturang joint exercise ay patunay ng malakas na ugnayan ng Pilipinas at US sa kanilang patuloy na pangakong pagbibigay ng seguridad at katatagan sa rehiyon.