Muling nanindigan si dating Philippine National Police (PNP) chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa na hindi siya kailanman dadalo sa imbitasyon ng ‘quad committee’ ng Kamara kahit pa gawing ‘committee of the whole’.
Anya, tulad ng kanyang sinabi dati, ayaw niyang maging sanhi ng pagkasira ng interparlimentary courtesy dahil magagalit sa kanya ang mga susunod na senador.
Dagdag pa niya, paulit ulit na lang din ang imbestigasyon dito kaya wala na siyang nakikitang rason para pumunta rito.
Samantala, iminungkahi rin niyang gawing independent ang pagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa extrajudicial killing imbis na ipa-lump sum ito sa International Criminal Court (ICC).
Matatandaan, kamakailan, isiniwalat ni Dela Rosa na nagkaroon ng pangkukumbinsi sa ilang PNP officials na idiin sila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.