Nasa 1,000 food packs na nagkakahalaga ng higit sa kalahating milyong piso ang ipinamahagi sa mga barangay ng St. Francis 1, Reformista, Wawa, Poblacion, Alangan, Kitang, Barrio Luz, Townsite at Landing, Limay, Bataan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Ito ay para sa mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill matapos ang paglubog noong July 25 ng MT Terra Nova.
Kasama rin sa ibinigay na tulong ang 400 kilo ng bangus at tilapia na nagkakahalaga ng mahigit sa ₱50,000 para sa Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC) at sa Samahang Kababaihan ng Pinag-aguran sa ilalim ng Seafood Kadiwa Grant Program.
Mayroon ring 75 paunang benepisyaryo ang binigyan ng fuel subsidy na nagkakahalaga ng 3,000 bawat isa upang makatulong sa kanilang muling pagbangon mula sa epekto ng oil spill.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: BFAR Region III