Jockey, patay matapos mahulog sa kabayo sa karera sa Batangas

Patay ang isang horse jockey matapos aksidenteng mahulog sa kaniyang sinasakyang kabayo habang nasa horse race sa Barangay San Pioquinto, Malvar, Batangas.

Kinilala ng Malvar Municipal Police Station ang biktima na si Francisco Tuazon, 46-anyos at residente ng Barangay 331 sa lungsod ng Maynila.

Base sa inisyal imbestigasyon, ang biktima ay kalahok sa isang 1,200 meters horse racing event sa nabanggit na lugar.

Read More:  Lucena cop pulls gun, fires at store

Sa kalagitnaan ng karera biglang nabali ang kaliwang estribo ng sinasakyan nitong kabayo na naging sanhi ng pagkawala niya sa balanse dahilan para siya’y mahulog.

Matapos mahulog ay natapakan pa ito ng kanyang sariling kabayo at muling natapakan ng kasunod pang kabayo.

Read More:  Mayor Lucy Torres-Gomez honors Chinese medicine heroes as three-day medical mission hits 1,451 served with chiropractic, ventosa, and acupuncture

Dahil dito, agad na rumesponde ang rescue team sa lugar at dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital pero idineklara rin itong dead on arrival.

Kasalukuyang nakahimlay ang labi ng biktima sa isang chapel sa Sta. Cruz, Maynila.

Samantala, nagiimbestiga pa ang mga awtoridad ukol sa pangyayari.