Nakapagtala ang James L. Gordon Memorial Hospital ng apat na insidenteng may kaugnayan sa paputok.
Ayon kay Hospital Chief Dr. Jewel Manuel, apat ang isinugod sa pagamutan mula January 1 hanggang 2.
Dalawa umano dito ay mula sa Barreto habang tig isa naman mula sa West Bajac-Bajac at Gordon Heights.
Dahil pare-parehong minor injury lamang ay hindi na rin naman aniya inadmit pa ang mga ito sa ospital.
Matatandaan na base sa umiiral na ordinansa sa Olongapo ay total ban ang paputok sa lungsod.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
