5 naiulat na nabiktima ng paputok sa Camarines Sur nitong Bagong Taon

NAGA CITY- Lima ang naiulat na nabiktima ng paputok sa lalawigan ng Camarines Sur sa pagsalubong ng Bagong Taon. Ito ay batay sa tala ng Bicol Medical Center (BMC) at ng Philippine National Police (PNP).

Una rito ang 21-anyos na lalaking residente ng Barangay, Itangon Bula. Pasado alas-12 ng hating gabi, sisindihan sana nito ang hawak na 5-Star nang bigla nang pumutok. Ayon sa DOH nakainum ang biktima.

Sa record pa ng BMC, Buhok ni Lola na uri ng papurok ang nakasugat sa 15-anyos na binatilyo sa Sagrada, Pili. Binigyan ng lunas at pinauwi rin.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Walong taong gulang naman ang nasugatan ng Kwitis sa Tambang bayan ng Tinambac at Spirit Whip ang dahilan ng injury ng 16-anyos na binatilyo sa Camaligan.

Sa tala naman ng PNP Camarines Sur, inilagay ng isang 16-anyos na binatilyo sa Barangay Anayan bayan ng Pili sa walang lamang lata ng sardinas ang whistle bomb. At nang sumabog tinamaan ang kamay ng binatilyo.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Dinala ito sa isang pribadong klinika sa nasabing bayan.

Kung babalikan, noong pasko isa ang naitalang fire cracker related injury sa Bicol, iyon ang 18-anyos na binatang residente ng San Felipe , Naga City. 5- Star din ang dahilan.

Ayon kay Sam Banico Coordinator ng Iwas Paputok ng DOH Bicol , emergency cases ang treatment sa mga ito ng mga pagamutan.