John Estrada at Priscilla, may pinagdadaanan bilang mag-asawa

Mukhang may pinagdadaanan ang mag-asawang sina John Estrada at Priscilla Meirelles matapos magpahayag ng cryptic comments sa kanilang mga post sa social media.

Nang ibahagi kasi ni John ang kanyang bakasyon sa Boracay, nag-comment si Priscilla ng “looking very divorced, Mr. Estrada” na may kasama pang pangalam ng babae na “Lily Hallman.”

Binanggit din ng dating beauty queen ang pangalan ng babae sa isang comment bilang tugon kung sino ba ang kasama ng aktor sa kanyang bakasyon.

Dahil dito, in-off na lang ni John ang kanyang comment section upang hindi na makita ang mga dating komento.

Nang walang nire-reveal o kinukumpirma, sinabi ni Priscilla sa isang Facebook live na “she had enough,” at idiniin na wala siyang papalampasin, lalo na’t kung sinagad ang kanyang limitasyon.