Umiwas na sagutin ang negosyante at CEO ng travel company na si Jeremy Jauncey tungkol sa usap-usapang engagement nila ni Pia Wurtzbach.
Batay kasi sa mga kumalat na litrato kamakailan, makikita si Pia na may suot diamond ring.
Kaugnay nito, natawa lang si Jeremy nang matanong hinggil dito.

Ayon sa CEO at founder ng travel company na Beautiful Destinations, takot siyang magkomento hinggil dito, at inihayag lang ang kanyang mga positibong komento kay Pia.
Si Jauncey ay nasa Pilipinas para sa taunang World Travel and Tourism Global Summit na ginanap sa Resorts World Manila, kung saan siya ang guest speaker sa event//MHEL PACIA-TRINIDAD