Tinataya ng Ukraine na aabot sa libo-libong mga sibilyan ang mga napatay sa Mariupol sa gitna ng patuloy na pagkubkub ng Russian forces, at nasa 100,000 sibilyan pa ang nananatili sa naturang lungsod.
Ayon kay Oleksiy Arestovych, ang adviser ni Ukraine President Volodymyr Zelenskiy, na tangka ng kanilang mga tropa sa Mariupol steel complex na mag-counterattacks.
Sa gitna nito, may mahigit pang 1,000 sibilyan ang nananatili rin sa naturang planta.
Sinasabi ring ang bagong tangka na mailikas ang mga sibilyan sa Mariupol noong nakaraang linggo ay nabigo.

Sa harap nito, nanawagan si Ecumenical Patriarch Bartholomew, ang spiritual head ng Eastern Orthodox Christians worldwide, ng humanitarian corridors sa Mariupol at iba pang lugar sa Ukraine.
Sa ngayon, batay sa Ukraine’s military, patuloy ang ginagawang opensiba ng Russian forces sa east ng bansa sa layuning makuha ang buong kontrol sa Donetsk at Luhansk, kung saan inaatake ang parehong military at civilian infrastructure.