Humarap na ngayong hapon sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang tsuper at operator ng jeepney na nagpababa sa isang pasahero dahil sa pangangatawan nito.
Ito ay matapos magviral ang isang video sa social media kung saan ipinahiya, sinisingil ng doble at pilit na pinabababa ng tsuper at konduktor ng jeepney ang isa nilang babaeng pasahero.
Present sa pagdinig si Joysh Gutierrez, ang pasahero na ipinahiya, gayundin ang tsuper na namahiya at misis nito.
Dumalo rin ang kapwa pasahero ni Gutierrez para ipagtanggol ito.
Sa pagdinig, inamin ng misis ng driver na gusto nilang pababain ng jeep si Gutierrez dahil sa bigat nito.
Una nang inisyuhan ng show-cause order ang operator ng nasabing jeep matapos ireklamo ng ‘body shaming’ sa isang pasahero.