Ambulansyang ginamit na pang-deliver ng softdrinks – hindi raw pagmamay-ari ng LGU

Mariing pinabulaanan ng Pamahalaang Bayan ng Paniqui sa Tarlac ang kumakalat na balitang inilathala ng online news platform na Visor patungkol sa kanilang ambulansya na ginagamit na pang deliver ng softdrinks.

Ayon sa Pamahalaang bayan, ang ambulansyang nasa larawan ay pag-aari umano ng pribadong institusyon na pag-aari ng dating konsehal ng bayan.

Giit pa nila na wala silang kinalaman sa ano mang transaksyon ng nasabing ambulansya.

Hindi raw pinapayagan ng alkalde ng nasabing bayan na gamiting pang personal ang mga ambulansya maliban sa paghahatid sundo ng mga pasyente sa pagamutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *