Masayang ibinahgai ng singer na si Jaya sa kanyang mga fans na nakakuha na sila ng bagong bahay, matapos matupok ngapoy ang kanilang tinitirhan sa United States.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi nito ang mensahe na nakasaad na aprubado ang kanilang home application.
Doble rin ang biyaya para sa pamilya ng singer, dahil nakakuha narin ng trabaho ang kanyang asawa.
Sa labis na kasiyahan, wala na umanong masasabi ni Jaya, kung ang lubos na pasasalamatan lalo na sa Panginoon.
Bagama’t hindi malinaw kung saan pansamantalang naninirahan ang pamilya nito, matapos ang sunog, ay nagpi-perform naman sa mga shows ang naturang singer, na naging daan rin para mawala ang kanyang pagkalungkot.