“BRIGADA AYUDA BALIK ESKWELA” School Supplies Distribution Drive ng Brigada News FM Sorsogon, isasagawa ngayong araw

SORSOGON CITY – Nakatakdang isagawa ngayong araw ng Sabado, Aug 20, 2022 ng Brigada News FM Sorsogon ang “BRIGADA AYUDA BALIK ESKWELA”: School Supplies Distribution Drive” sa Barangay Osiao, Bacon District, Sorsogon City.

Limampong mga mahihirap na mag-aaral mula sa iba’t ibang grade level ang benepisyaryo ng aktibidad kung saan ang bawat isa sa mga ito ay makakatanggap ng mga School Supplies kinabibilangan ng 8 notebook, 2 pirasong lapis, 2 pirasong ballpen, 10 pirasong coupon bond, 10 pirasong colored paper, 1 short white folder at long white folder, 1 short brown envelope at long plastic envelope,  ruler, gunting, pantasa, pambura, crayola at pad paper.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Bukod pa rito mayroon ding pa-kontest kung saan ang mga mananalo ay makakatanggap ng school bag at kumpletong mga gamit pangkulay habang 32 liters  na pintura at mga copier paper naman ang ipagkakaloob sa Osiao Ementary School.

Libre din ang snacks ng mga benipisyaryong mag-aaral.

Kaugnay nito nagpapasalamat ang Brigada News FM Sorsogon sa lahat ng mga tumulong at nakiisa para maisakatuparan ang nasabing aktibidad. Mababatid na ang lokasyon ng nabanggit na barangay ang isa sa ikinonsidera kung bakit ito ang napiling benepisyaryo.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Bukod kasi sa malayo ito sa sentro ng lungsod ng Sorsogon ay wala pa ding maayos na moda ng transportasyon bukod pa sa mahirap na kondisyon ng kalsada.

Habal-habal at bangka ang paraan ng pagbiyahe na lubhang mabigat para sa mga residenteng kapos sa buhay.