DepEd, ipinanukala ang P85.9-B budget para matugunan ang classroom shortage

Ipinanukala ng Department of Education (DepEd) ang P85.9-billion budget para sa 2023 na gagamitin sa konstruksyon ng mga classrooms.

Ayon kay DepEd Undersecretary Anne Sevilla, ang naturang halaga ay makakapagpatayo na ng 34,552 na mga paaralan sa first- to sixth-class municipalities.

Sinabi ni Sevilla sa pagdinig ng Senate committee on basic education na sa kabila ng instruction ng Department of Budget and Management (DBM) na isama lang ang fifth- at sixth-class municipalities, ang isinumite umano nila ay ang overall requirement na maaring maipatupas sa susunod na taon.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Binigyang diin nito, na ang P85.9 billion ay hindi naman talaga ang overall shortage, sa halip ay sa palagay lang nila na dapat ipatupad sa 2023.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Sa kabila nito, P5.9-B lang ang inaprubahan ng DBM na maisasama sa 2023 budget.

Mababatid na sinabi ni DepEd Undersecretary Epimaco Densing III na mayroong kakulangan na 91,000 na mga classrooms.