Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan para sa donasyon nito na mahigit 1.12-million COVID-19 vaccine doses.
Dumating kagabi sa Villamor Air Base ang nasabing shipment kung saan ay present sa turnover ceremony ang Pangulo at ang mga opisyal ng Japanese embassy, National Task Force (NTF) Against COVID-19, at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases
Sa talumpati ng Pangulo ay sinabi niya na makakatulong ang mga donasyong bakuna ng Japan sa layunin ng Pilipinas na makamit ang herd immunity.

Iginiit ng Pangulo na nanatili ang Japan bilang “strong partner” ng bansa sa iba’t-ibang development programs.
Ipinunto rin ng Punong ehekutibo na ang kooperasyon laban sa pandemya ay indikasyon ng malalim na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Mababatid na ang donasyong 1.12-million doses ng AstraZeneca vaccine ng Japan ay bahagi ng mga inisyatibo nito na sumusuporta sa Southeast Asian countries sa gitna ng pandemya.