2 phreatomagmatic bursts mula sa main crater ng bulkang Taal, naitala ng PHIVOLCS

Naiulat ng PHIVOLCS ang dalawang phreatomagmatic bursts mula sa main crater ng Bulkang Taal nitong Miyerkules ng umaga.

Base sa seismic signals, ay nangyari ang unang phreatomagmatic burst kaninang ala-1:46 ng madaling araw, at tumagal ito ng isang minuto.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Naganap naman ang ikalawa kaninang alas-2:54 ng madaling araw, na tumagal naman ng dalawang minuto.

Base sa thermal camera monitoring ay nagdulot ang mga pagsabog ng plume na aabot sa 400 – 500 meters na taas.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Inihayag ng PHIVOLCS na umabot na sa tatlong phreatomagmatic bursts ang naitatala nito simula November 15, at posibleng idinulot ito ng fracturing at gas release mula sa nagpapahinga na magma sa ilalim ng Taal Volcano Island.