Nagpansinan ang live-in partners na sina Janella Salvador at Markus Paterson sa gitna ng usap-usapang nagkaalitan ang dalawa.
Una nito, noong Mayo 8, 2022, kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day, ay nag-post si Markus sa Instagram ng litrato ng kanyang mag-inang Janella at Jude Trevor, na may caption na pagbati at pagpuri sa aktres bilang isang ina sa kanilang anak.

Nag-reply naman si Janella ng “Thank you” at white emoji.
Dahil dito, nagbiro ang mga netizens na naudlot tuloy ang kanilang pakiki-chismis.
Matatandaan na naging usap-usapang tila hiwalay na umano sina Janella at Markus dahil matagal na silang walang post, na sila ay magkasama, at ang huli nga ay noon pang January 1, 2022.
Sa ulat ng talent manager-comedian na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog noong April 29, 2022, ibinahagi nitong napag-alaman niya sa “common friends” ng couple na ilang buwan nang hiwalay umano sina Janella at Markus, bagama’t walang pahayag ang dalawa tungkol dito.