Condonation program ng SSS para sa short term member loans magtatapos na ngayong May 14

Magtatapos na ngayong Mayo 14, 2022  ang condonation on penalty for short term member loans.

Ito ay makaraang palawigin mula sa orihinal na schedule na dapat sana ay noong Marso.

Una nang inihayag ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo na ang mga may hindi nabayaran at hindi nakapag avail ng condonation noong mga nagdaang taon ay maaaring mag inquire sa opisina ng SSS o i- avail ito online sa pamamagitan ng My.SSS

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ngayong  Mayo 14 din ng taong kasalukuyan magtatapos ang condonation sa housing loan.

Bukod sa mga nabanggit, ay magtatapos na rin ang availment period para sa mga employer na may short term loans at hindi nabayarang contributions ng kanilang empleado.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Natakda naman hanggang sa Mayo 19, 2022 ang availment period para dito.

Pagkakataon na ito lalo na ng mga delinquent employers na i- avail ang programa.