Itinuturing na big boss sa mga illegal na POGOs, tumakas paalis ng bansa – PAOCC

Tumakas palabas ng bansa ang ilang itinuturing na big boss o top executive ng mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operators sa bansa.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission, patuloy nilang minomonitor ang managers at POGO executives na walang record na umalis sa mga paliparan sa Pilipinas subalit napaulat na nakalabas ng bansa.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Sinabi ng PAOCC na isa sa mga problema nila ang mga pribadong paliparan na ipinatayo ng mga indibidwal at hindi rin namomonitor ang lahat ng pantalan sa buong Pilipinas na legal at ilegal.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Aminado naman ang PAOCC na maraming mga pantalan ang hindi rehistrado kung saan ilan sa mga ito ay ipinatayo ng lokal na pulitiko.