Hiling na padaluhin si Alice Guo Senate Hearing, inaprubahan ng Korte

Inaprubahan ng Tarlac Regional Trial Court Branch 109 ang hiling ni Sen. Risa Hontiveros na makadalo si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pagdinig ng Senado.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Base sa utos ng korte, pinahihintulutan nito ang pagdalo ni Guo sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa Lunes.

Inatasan din ng Korte ang Philippine National Police Custodial Center na dalhin si Guo sa hearing.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Matatandaang dinidinig ng komite ang mga ilegal na aktibidad sa POGO at ang posibleng kaugnayan ng dating alkalde dito.