Israel, nag-alok ng COVID-19 vaccine booster shot para sa mga edad na 12-pataas

Pinalawak ng Israel ang access sa ikatlong dose ng COVID-19 vaccine para sa lahat na ang edad ang 12-pataas.

Ito ay matapos igiit ni Prime Minister Naftali Benett na ang booster shot ay paraan para ma-contain ang COVID-19 surge sa naturang bansa.

Sa mga nakalipas na araw ay naitatala ng Israel, na bansa na may 9.3-million na populasyon, ang mahigit 8,000 kaso ng mga bago at serious COVID-19 cases.

Una nang napuna ng maraming grupo kabilang na ang World Health Organization ang pag-aalok ng maraming bansa ng third shot ng COVID-19 vaccine sa kabila ng kakulangan sa suplay na nararanasan sa maraming mahirap na bansa.

Ipinunto naman ni Benett na nasa 2-milyon na Israelis na ang nakatanggap ng third shot, at malinaw naman aniya ang resulta kung saan ay makikita ang pagbagal ng mga kaso na maituturing na severe morbidity.