Restriksyon para sa mga nabakunahan kontra COVID-19, pinaluluwagan ng DTI

Hiniling ng Department of Trade and Industry (DTI) na maibalik ang 20 percent operational capacity sa mga restricted sectors sa panahon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) gaya ng restaurants, beauty salons, at tourist attractions para sa mga adults na nabakunahan na kontra COVID-19.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na umaasa sila na mapapayagan na makapag-operate sa 20 percent capacity ang mga dine-in restaurants, personal care service establishments, museums, at indoor at outdoor exhibits para sa mga bakunado nitong mga empleyado at customers.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ipinunto ni Lopez na isinusulong ng Department of Tourism ang reopening ng tourist attractions at museums.

Iginiit ng kalihim na kung hindi naka-lockdown ay papayagan naman ang lahat ng vaccine status na makapasok sa mga establishimyento na dipende sa operating capacity nito.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Inihayag ng kalihim na oras na maaprubahan, ay magiging bahagi ng mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang kaniyang rekomendasyon.

Naniniwala naman si Lopez na sa ganitong paraan ay mas maraming tao ang maeenganyong magpabakuna.