Humuhingi ngayon ng tulong ang isang lalaki na biktima ng pang aabuso ng mga gwardya sa isang subdivision sa Las Piñas city.
Ayon sa kapatid ng biktima, nangangalakal lamang ang kanyang kapatid sa BF resort village na isang exclusive subdivision sa nasabing lungsod nang bigla itong akbayan at iposas ng mga gwardya.
Sinakluban pa umano ang biktima ng traffic cone at pinaglaruan.
Aniya, hindi pa nakuntento ang mga ito at binugbog pa ang biktima at sa kabutihang palad ay nakatakas ito.
Sa ngayon ay nagpapasaklolo ang biktima dahil sa hindi umano nila makuha ang mga pagkakakilanlan ng mga suspek dahil sa hinaharang ng isang opisyal ng subdivision.