Isang Senador, hindi papayag na maging ‘lista sa tubig’ ang iniwang danyos ng China sa mga corals sa West Philippine Sea

Malabong maging lista sa tubig sa iniwang danyos ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas ayon sa isang Senador dahil sisiguraduhin aniya nila na masisingil ang nasabing bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Sen. Risa Hontiveros, Senate Deputy Minority Leader, sinabi nito na inihahanda na nila ang kasong isasampa sa Tsina sa mga danyos na iniiwan nito sa West Phillipines Sea na hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ito sa kasaysayan.

Kinondena naman ng Senador ang ginagawang pag-haharvest ng corals at marines life ng China sa WPS na hindi lamang aniya umaagaw sa mga kabuhayan ng mangingisda ng Pilipinas kung hindi sumisira pa sa ating likas na yaman.

Kung maalala, inirerekomenda rin ng DOJ ang pagsasampa ng mga kaso laban sa China dahil sa malawakang pag-aani ng corals matapos iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command ang mga nawawalang bahura pagkatapos umalis ng mga sasakyang militar ng China sa Rozul Reef.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *