Tatlong mambabatas, gigil na sa palpak na serbosyo ng ilang electric cooperative sa bansa

Nangigil na ang tatlong mambabatas sa palpak na serbiyo ng kuryente ng ilang electric cooperative sa bansa na umaani rin ng kaliwa’t kanang reklamo mula sa mga siniserbisyuhan nito.

Kaugnay nito, naghain na ng House Resolution o HB 1302 sa Kamara ang tatlong Kongresista na sina ACT-CIS partylist Reps. Erwin Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd district Rep. Ralph Tulfo.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Kabilang din sa mga lumagda sa resolution sina Jocelyn Tulfo, at Edvic Yap na layung maimbestigahan at marebisa ang prangkisa ng mga electric cooperative na anila ay panay ang brownout na lamang ang ibinibigay sa publiko.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Giit pa ng mga mambabatas, maraming electric co­operatives ang gusto at handang magbigay ng maayos na serbisyo ng kuryente ngunit dahil sa existing franchise ay nagkakaroon ng problem kaya naman kanilang rerebisahin ang kasalukuyang prankisa at ikakansela kung kinakailangan.