Isang pamamahay tinupok ng apoy sa Mother Barangay Tamontaka

TINUPOK ng apoy ang isang pamamahay sa nangyaring sunog nitong 3:46 ng hapon kahapon sa  bahagi Purok Maulana Barangay Mother Tamontaka sa lungsod ng Cotabato

Sa panayam ng Brigada News FM kay FO1 Anthony Hinilo , tagapagsalita ng BFP Cotabato City, ay nakatanggap anya ito ng tawag na mayroong nasusunog na pamamahay na pag mamay ari ni Samrud Taup

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Anya ay agad namang naapula ang apoy sa loob ng 10-12 minuto ,Bago pa man dumating ang mga kawani ng Cotabato City Bureau of Fire Protection  agad rin namang rumesponde ang BFP OCM at BFP DOS maging man ang mga residente sa nasabing lugar ay tumulong na rin upang maapula ang sunog  na kung kaya’t ay hindi na kumalat pa sa mga kalapit bahay ang sunog

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Dagdag pa nito ng dumating na ito sa lugar ay nasa advance stage na ito at gawa naman sa light materials ang nasabing bahay kung kaya’t mabilis na kumalat ang apoy

Nagpapatuloy parin ngayon ang imbestigasyon ng BFP kung anu ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang iniwang danyos  ng sunog