Mas mataas na bayarin sa kuryente sa Albay, asahan ngayong Hunyo; APEC nilinaw na dahil ito sa pagtaas ng rate ng WESM

BICOL—Inaasahan ang pagtaas ng bayarin sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo sa lalawigan ng Albay.

Base sa abiso ng Albay Power and Energy Corporation (APEC), 13.9539 ang power rate sa mga reisdential areas sa mainland habang 8.8584 naman sa mga isla.

12.9735 sa mga low voltage commercial establishments at 11.6261 naman sa high voltage sa mainland habang 8.2898 sa island areas.

Pero nilinaw ng APEC na ang pagtaas sa bayarin ay hindi bagong rate increase ng kumpanya kundi dahil sa pagtaas ng power rate ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Dalawa sa mga rason ng pagtaas ng singil ng WESM ay ang pagtaas din ng demand ng suplay ng kuryente sa Luzon at ang sabay sabay na generation plant outages na nagresulta sa manipis na suplay sa Luzon grid.

Bunsod nito, tumaas ng P1.6322 per kwh ang singil ng WESM.

Ang mainit na panahon at mataas na economic activity ay nagdulot ng 1, 131 megawatts increase sa demand ng power supply mula sa 10,425 noong Abril patungo sa 11,556 nitong buwan ng Mayo.

Kaugnay nito ay maraming Albayano ang tumaas ang kilay dahil hindi naman umano maayos ang serbisyo ng kuryente sa lalawigan para sa panibagong dagdag singil.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *