Isang miyembro ng npa na team leader sumuko

Sumuko sa kasundaluhan kahapon sa bayan ng Roxas, Palawan sa pamamagitan ng Joint Intellegence Task Force ng Palawan Provincial Task Force –ELCAC ang isang miyembro ng makakaliwang grupo.

Ayon kay General Jimmy Larida ng 3rd Marine Brigade, ito ay kinilala na si Jose Maria Masong alyas Ka Degret / Ling / James team leader platoon sa Palawan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kasamahan din umano ito ng mga naka-engkwentro sa Bgy. Tinitian, Roxas noong December 2021 bukod sa isang nasawing rebelde ay napahiwalay ito sa iba nilang natirang kasamahan.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Sa ngayon dalawang miyembrong rebelde na lamang ang natitira na pinapanawagang magbalik loob na sa pamahalaan upang hindi na humantong sa anumang karahasan.

Photo Credit │3rd Marine Brigade