3 mangingisda mula sa Green Island sa Roxas Palawan, hindi pa natatagpuan

Umaasa ang mga pamilya na makita ng tatlong mangingisda na nawawala sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Odette noong Ika-17 ng Disyembre 2021.

Ang tatlong mangingisda ay kinilala na sina Pejay Monticalvo, Loreto Mercader at Andy Moreno na Pawang mga residente ng Green Island sa Bgy. Tumarbong Roxas Palawan.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ang mga ito ay nawala sa lugar tinawag na Tadyo sa Karagatang sakop ng Anilawan sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon sa pamilya ng isang nawawala, tanggap naman nila umano kung ano man ang nangyari sa kanilang kaanak, ang nais na lamang nila ay matagpuan ito.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Samantala, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng news team sa Kapitan at may -ari ng bangka ng tatlong mangingisda na maswerteng nakaligtas.