Isang miyembro ng ‘Milisya ng Bayan’ sa Palawan, sumuko

Sumuko ang isang 25 anyos na miyembro ng Milisya ng bayan sa ilalim ng KLG- North ng Sub-Regional Military Area at sa ilalim ng Southern Tagalog Regional Party Committee mula sa Brgy. Poblacion, Taytay, Palawan sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 4B.

Ayon sa Police Regional Office- MIMAROPA, ang isang babaeng milisya ng bayan ay si “Ka- Jie” .

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Sumuko  ito noong nakalipas na Biyernes, June 10, 2022. kay Police Captain MARVIN L ESTIGOY, Officer-in-Charge, 401st B Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 4B, ayon kay MFB 4B Commander Police Colonel ROLANDO C LAMPAD.

Ipinagmalaki ni PCOL LAMPAD ang pagsuko ni “Ka- Jie” ay resulta ng masigasig na counter-insurgency campaign ng National task force End Local Communist Armed Conflict.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Ang dating rebelde  ay agad na dinala sa kustodiya ng RMFB at siya’y kwalipikado para sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).

Samantala, umabot na sa 80 na miyembro ng komunistang grupo ang sumuko sa pamahalaan simula nitong ika-1 ng Enero hanggang ika-11 ng Hunyo 2022.