Pinaka- engrandeng selebrasyon ng Baragatan sa Palawan, binuhay matapos ang dalawang taon

Umarangkada na ang grand opening o pinaka- engrandeng selebrasyon ng Baragatan sa Palawan Festival 2022 handog ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga palaweño na ginanap ngayong araw matapos ang dalawang taong pandemya.

Ganap na ala-una ng hapon ngayon ay opisyal nang binuksan ni Palawan Governor Jose  Alvarez ang pagdiriwang ng Baragatan sa pamamagitan ng nakasanayang ritwal na paghampas sa gong bilang hudyat ng opisyal na pagbubukas ng pinaka-engrande, makulay at kapana-panabik na Baragatan Festival ngayong taon.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ngayong hapon ay ginanap ang ig parada ng mga Palaweño kasama ang Float Competition at Paantiguan sa Dalan habang mamayang gabi naman gaganapin ang pagtatanghal ng bandang Silent Sanctuary sa Sponsors Night at magkakaroon din ng fireworks display sa Capitol grounds.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Samantala, may mga aktibidad at patimpalak na may malalaking premoyo ang dapat abangan ang mga palaweño at mga turista hanggang sa June 30, 2022.

Photo Credit to PIA Palawan