Pagpapatrolya sa WPS, pinalakas ng Philippine Navy

Pinalakas ng Philippine Navy ang kanilang patrolya West Philippine Sea.

Ayon kay Navy spokesperson for WPS, Commodore Roy Vincent Trinidad, kabilang din dito ang Bajo de Masinloc at northern islands sa Pilipinas.

Ang pagpapalakas ng presensiya ng Navy ay kasunod ng pahayag ng Pangulo tungkol sa paglipat ng focus mula sa Internal Security Operations patungo sa External Defense.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ganun din ang pahayag kamakailan ni Defense Sec. Gilbert Teodoro Jr. ukol sa Comprehensive Defense and Development Capability na nagbigay-diin sa pangangailangan ng mas malawak na proteksyon sa ating mga teritoryo.

Sinabi pa ni Trinidad , sa kabila ng probokasyon ng China, nananatiling matatag ang Philippine Navy sa kanilang mandato na tiyakin ang seguridad at kapakanan ng bawat Pilipino, saan man sila naroroon—sa lupa man o sa dagat.

Read More:  DA issues notices to 36 rice retailers for violating imported rice price cap

Maalalang, nagpatupad ng 4-month fishing ban ang China kabilang ang ilang bahagi ng WPS.

Nagsimula ang fishing ban ngayong Mayo, at magtatapos sa September 16.

Bago ito’y una nang nagpatupad ang China ng pag-aresto sa mga non-Chinese fishermen sa mga lugar na idiniriin nilang sa kanila.