Mababa pa rin ang tiyansang mag-develop bilang isang bagyo ang binabantayang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 145 kilometro kanluran ng Coron, Palawan.
Ang isa namang bagyo sa labas ng PAR ay huling namataan sa layong 2,510 kilometro, silangan ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 55 kilometro kada oras at bugsong papalo ng hanggang 70 kilometro kada oras.
Sa ngayon, mababa pa ang tiyansa na pumasok ito ng PAR.
Samantala, matapos ang bagyong Julian – ang susunod naman na pangalan ng mga bagyo ay Kristine, Leon at Marce.