Isang kumpanya sa Sta. Ana Cagayan, inispeksyon; kakulangan sa pagsunod ng health protocols, natukoy

Binalaan ng Technical Working Group for Workplace Management ang isang kumpanya sa Sta Ana, Cagayan matapos masuring mayroon itong kakulangan sa pagsunod sa minimum public health standard.

Ayon sa Department of Trade and Industry Region 2, unang nakatanggap ang kanilang ahensya na nagkakaroon umano ng pagtaas ng kaso ng mga empleyadong nagpopositibo sa COVID-19 dahil sa hindi pagsunod sa health protocols ng naturang kumpanya.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Agad naman nagsagawa ng inspeksyon ang DTI kasama ang iba pang miyembro ng TWG na kinabibilangan ng DOH, DOLE, DILG, BFP, PNP, OCD at RHU Sta. Ana.

Batay sa kanilang pagsusuri, nakitaan ang kumpanya ng hindi maayos na bentilasyon sa working place, hindi maayos na pagsunod sa social distancing at kawalan ng caution marking sa mga resting area ng empleyado.

Dahil dito, nagbabala ang TWG na maaring sampahan ng kaukulang aksyon ang kumpanya kung hindi tutugunan agad ang nasuring mga kakulangan para sa kaligtasan ng mga empleyado.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kasabay ng nasabing aktibidad ay siniyasat naman ng DOLE ang pagsunod ng kumpanya sa mga regulasyon ng ahensya para sa proteksyon at karapat ng mga manggagawa.

Samantala, sumailalim naman sa antigen test at nagsuot ng kaukulang PPE ang mga kawani ng TWG upang matiyak na naayon sa protocols ang isinigawang pagsusuri.